United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yaon ding painom ay gagamitin nang maysaquit hangan macalalo ang guinao nang pan~giqui; at cun nalalagnat na ay yaon din ang caniyang iinumin cun ibig, ó cun aayao siya noon, ang sa número 2 ay magaling inumin niya. Pagca nacaraan ang lagnat, ay pinapahiran nang damit ang pauis nang maysaquit.
Cun minsan hindi lamang mayroong nana roon sa sibol na naquiquita, cundi sa ibang lugar nang lalamunan na hindi na-aalaman, caya ang maysaquit anaqui magaling na, at ang lagnat ay munti at naca-catulog siya,t, nacacalunoc; datapoua,t, hindi nauauala ang saquit nang bibig; pinan~gin~gilabutan siya nang guinao, ang dila,i, bungmibigat at cungmacapal sa caniyang damdam.