United States or Monaco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si don Jua'i, nanaog na tungo'i, sa caballeriza, sa pagmamadali niya icaualó ang nacuha. Sinubuan nangang tambing nang freno't, sillang magaling, ay siya namang pagdating nitong princesang butihin. Nang ito baga'i, maquita cabayong sasac-yán nilá, nagdala rin nang pangambá ang mariquit na princesa.
Sa malaquing tacot bagá cabayong minansó niya. nag-luhá nanga ang matá ang lauay ay tumulo na. Nang maquita ni don Juan na di na macagulapay, caniyang sinunód naman sa princesang cabilinan. Hinila na ang rienda sa palacio ay nuí na, matuid ang lacad niya tuloy sa caballeriza. Hinubdán na ni don Juan nang freno't, sillang maringal, inilagay sa hagdanan at umuí na sa bahay.
Salita Ng Araw