United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dama'y nan~ga dingig ang sinabing ito silang lahat nama'y pawang nan~gagpayo anila'y humanap nang karangalan mo na maglakbay kahit sa ibang Reyno. Yaong si Honrado'y sa laking paggiliw ang payo nang Dama'y kusang minagaling at pinasiya nang lubos sa panimdim na man~gibang lahi't dan~gal ay hanapin.
Hindi nakatagal ang matang tumitig nang bunying Princesa sa malaking hapis kaya't napaalam na tigib nang hapis na ang dalamhati ay di maisulit. Pagdating sa torre nang bunying Princesa sa lahat nang Dama'y ang sinabi niya ang ginawang ito nang Hari kong Ama'y ikamamatay ko na walang pagsala.
Kasalukuyan n~gang ang Princesa't Dama'y na sa durun~gawa't hinihintay siya ang lagak na wika'y paalam aniya at magkapalad ding tayo ay magkita. Ang Princesa't Dama'y dinayo nang lunos sa pagalis niyong may magandang loob n~guni't kailan~gan naman nang pagirog yaong karan~galan ikapapanulos.