United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naguló ang gunam-gunam ng haring Fernandong mahal, cumuhang sanguni naman sa arzobispong marangál. Ang sa arzobispong saysay cun sinong unang catipán, siyang dapat pacasalán nang príncipeng si don Juan. Sagót ni doña María ó amá nang caloloua, ang sa tauong puri bagá di búhay ang cahalagá. Anang arzobispo naman ngayo'i, uala ca nang daan, at may na unang catipán na marapat pacasalán.
Ang silla'i, gayon din naman ay husto ring ualang culang, ang pagcaing bagay-bagay sa lamesa'i, nalalagay. At sa dulo nang lamesa mayroong dalauang silla, na uupán bagáng sadyá nang príncipe at princesa. Sacá naman capagdaca itong si doña María, nuha nang isang bandeja inilagay ang corona. Cumuhang sintabi naman sa haráp nang manga mahal, na naroong napipisan consejeros bagáng tanán.