United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lalo nang sabihing siya ay tatanggap nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag, caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag n~g isang Obispong cabanala'y ganap. Di lubhang nalao'y dumating sa Francia banal na Obispo na si Rami baga, niyong maharap na sa mahal na Reyna boong cagalacang nan~gagbati sila.
Pinaturuan din yaong man~ga Anác nang pananandata't nang dunong na ganap, mahigpit na iniaaral na mag-in~gat sa pag-oosioso't lubos na man~gilag. Cung siya ay ualang bagay na tungculin librong cabanala'y siyang babasahin, ó luluhod caya at mananalan~gin ang pagdedevocio'y siyang uunahin.
Ito n~ga ang unang sinta cung cumapit sa puso n~g tauo'y matibay mahigpit, at ito ang sintang pang-han~gal sa isip lalo cung ang dugo,y cabataang labis, Ito ang pagsintang cung baga itulad sa culay ay siyang tunay na busilac cung sa cabanala'y taimtim at uagas at cung sa matamis pan~guna sa lasap.