United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anio n~g babaying ilauig ang buhay calulua'y cung yurac n~g pula't casaman, pagcat ang halaga na guintong in~gatan ang maguing busilac ang puri at asal; Caya sa isip mo sacaling namugan hina co'y hanapang labis pa sa gauad, inihahanga ca n~g sinta cong tapat pag-asa itacuil at di icagalác.
Di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon.
Ito n~ga ang unang sinta cung cumapit sa puso n~g tauo'y matibay mahigpit, at ito ang sintang pang-han~gal sa isip lalo cung ang dugo,y cabataang labis, Ito ang pagsintang cung baga itulad sa culay ay siyang tunay na busilac cung sa cabanala'y taimtim at uagas at cung sa matamis pan~guna sa lasap.