United States or Slovakia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung mátira siya sa Singapore, tunay n~ga't siya'y tátahimic, n~guni't marurun~gisan namán ang canyáng dan~gal n~g capintasang siya'y tumanan, tumalicod sa pakikitunggali sa icatutubos n~g canyang bayan sa caalipnan.
¿Hindi na caya naghahari sa calooban n~g marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan n~g lupang kinakitaan n~g unang liwanag? ¿Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang m~ga nagsisi-irog sa caalipnan, caya sa caalipna'y nagsisisuco? ¿May dugo pa cayang may dun~gis na catacsilan sa ating m~ga calahi?
Pinagcaisahan po n~g capisanang iyang lihim na aco'y pumarito, at ipinamamanhic po sa inyong sa canila'y ipag-utos ang bawa't inyong ibiguin, sa icagagaling n~g bayang na sa catacot-tacot na caalipnan, at sa icaliligtas pô naman ninyo sa inyong pagcapatapon dito, at n~g maniwalâ pô cayo'y ipinadala nilá sa akin itong inyong larawan.
Rizal, iya'y maliwanag na halimbawang nagpapakilala sa ating di tayo macaliligtas sa caalipnan cung dî daraanin sa pakikibaca." "¡Sucat na ang pagpapacabab