United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis. Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap.
Ang cani-caniyang guinoo'y sa tapang calac-ha't iba pa sabi cung lampasan, mata'y mangdi-dilat parang dinadarang saca itututol uicang paimbabao. Ang gayong taltalan na maling inisip sa lupa'y suboc nang binubun~ga'y galit, sa capoua utusang bahay ang umaquit: hanapin ang hatol sa dulo n~g caliz;