United States or Chad ? Vote for the TOP Country of the Week !
Caya ang saguing ang man~ga, ates , ang albay , ang duhat ang sapinit, ang dalandan, at ang iba pang bun~gang hinog na hinog nang cahoy, ay macacain nang maysaquit, sapagca macaguiguinhaua sa caniya yaon. Ang maysaquit painumin nang malimit nang alin man doon sa sinabi co na sa párrafo 15.
Ang nagcacasaquit nitong ganitong saquit ay nababaynat cun minsan, gaua nang pagcain nang sala, sapagca ang may cataua,i, nalamigan, ó napagal nang paggaua. Sa saquit na pag-iilaguin ay magaling ang pagcain nang man~ga bun~gang hinog nang cahoy, ang manga baga, ang saguing , ang alpay, ang ates. etc.
Ang talbos nang malungay , ang onti , at ang colasiman ay totoong buti namang canin nang nagcacasaquit nang escorbuto . Ang caniyang lahat na cacanin ay mabuti lag-yan nang suca. Ang man~ga bun~ga nang cahoy, para nang papaya, ates, manga, saguing, sapinit, lanzones etc . ay bagay sa saquit na ito.