United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang binatáng magbibigtí sana kung hindi natin nátagpuan, at nákukulong n~gayon sa ating yun~gíb ay siyang iniibig n~g binibining ating aagawin. ¡Ah!... ¿Alám mo kung sino ang bagongtaong iyón at kung bakit iniwasan ko ang ako'y kaniyang mákilala? Iyón ang dati kong kasamahan sa pagaaral; iyón ang anák n~g maawaing nagampón sa akin. ¡Oh!
"Juancho! Juancho! Gísing, gísing ka, tamád. Dilát ka na ba? Halíka rini't ikaw ay makiníg... Susunód ka, ha?... Pag hindi, baság ang iyóng ulo; hále, lumukólukó ka!... Ikaw ay mang-aágaw ha? aagáwin mo ha?... Alám mo ba kun bakit?... kun bákit di ka maibig ni Elena?... Dáhil kay Gerardo! Si Gerardo'y pinatáy ko, ikáw ang umágaw sa kanyáng katipán?... Ha? at naágaw mo na ba?... Mabuti kang bat