United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !


Wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; n~guni't kung sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si Teang sa mararating n~g m~ga gunita mo, ay wala akong dapat gawin kundi isa: ang ipaala-ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay n~g kanyang ninang sa San Lazaro. ¿At saan naroon? ¡Aywan kay pari Casio! ¿Ha? Napuna ni Martinez ang untiunting pagkainis n~g kausap.

Isinama lamang ako ni tia ... ang may lungkot na pakli n~g mestisa. ¿Ang ninang ko pati ay naririto? at noon di'y pinagala ang tin~gin sa dami n~g taong nakapalibid, at hinanap si donya Basilia. Naririto ... bahagya nang naitugon ni Elsa.

¡Ah, ninang! ang boong tuwa't pananabik na ibinati pagkakita sa hinanap, at pagdaka'y tinakbong niyakap at hinagkan sa kamay, ¡Anong himala't naparito tayong lahat! Walang kumibo sa m~ga kaharap. Lahat ay nasa panonood at pagtataka. Sa katotohanan, ang m~ga kilos ni Teang nang umagang iyon ay naging kapunapuna't malayo sa dati niyang asal.

Si Elsa't si donya Basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa kinatatayuan n~g inang si manang Magda sa harap n~g makata. At ang sabi pagkatapos: Inang, ninang, kaibigang Elsa ... huwag kayong mamangha sa ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko n~g aking kapalara'y naririto: si Tirso Silveira. ¡Teang! ang halos panabay na nasambit n~g tatlo. Huwag kayong magalaala: kasal na po kami....

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap