United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Elsa't si donya Basilia ay hinawakan sa kamay at iniagapay sa kinatatayuan n~g inang si manang Magda sa harap n~g makata. At ang sabi pagkatapos: Inang, ninang, kaibigang Elsa ... huwag kayong mamangha sa ipakikilala ko: ang lalaking pinaghabilinan ko n~g aking kapalara'y naririto: si Tirso Silveira. ¡Teang! ang halos panabay na nasambit n~g tatlo. Huwag kayong magalaala: kasal na po kami....
At ang m~ga labi'y nagpalitan n~g halik: halik n~g anak sa kamay n~g ina; at halik n~g ina sa noo n~g anak.... ¿Nagkasakit ka ba? Hindi po; nguni't ... ¡oh, ang m~ga taong pinaghabilinan ninyo sa akin! ¡Patawarin nawa sila ni Bathala sa di nila nalalamang kanilang ginagawa!... ¿Sinong m~ga tao? ang pabiglang sunggab ni Tirso. ¿At nilapastan~gan ka ba? ¡Teang ituro mo at gagawin ko ang nararapat!
Salita Ng Araw