United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Parang kakahapon lamang na sila ni Eduardo ay lagi ng maliligaya at nagduduyan sa katamisan ng pagibig datapwa't ngayon, ngayon ay parang naging ulap na lamang, paraparang naglahong lahat. Kahabaghabag na Eduardo! Pusong sawi at kulang palad!
Katulad ng mga ibong malalaya ang buhay sa mataas na papawirin, walang dusa, walang nakaaalipin at paraparang maliligaya. Na, katulad naman ng dalawang puso, na walang ulap na bumabadha sa kanilang matamis na pagmamahalan. Walang mapait sa mga damdamin: laging maligaya at nagngingitian. Dalawang pusong sa gitna ng pagiisa ay kaligayahan ng damdamin ang siyang taglay ng diwa.
Ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. Oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. At, si Leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. Maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya.
Salita Ng Araw