United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapuwa't ang ganito niyang kabuhayan ay di rin makapagbigay lubos kaaliwan sa kanyang buhay. Ang lagi niyang pinipitapita at idinadalangin ay ang makita ang mukha ng kanyang irog: ang mukha ni Eduardo. Datapwa't saan niya makikita si Eduardo? Ang kanyang mga kasama sa pasukan ay pawang mga babae lamang.
Ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. Oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. At, si Leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. Maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya.