United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. Oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. At, si Leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. Maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya.
Karamihan pa naman ay mga kilala't tanyag na mga kabinataan ang nagaagawang siya ang maging palad na makasayaw. Hindi nga kaya ang isang Leoning ay magbago ng loob sa gayong mga pagkakataon at limutin ang isang Eduardo? Mga kilala at tanyag na mga tao pa naman ang waring nagsisipaghagis sa kanya ng mga irap na may kahulogan at ibig sabihin.
Salita Ng Araw