United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dalawang suliranin: isang pagkapoot at ang ikalawa'y ninais magtuloy sa kalooban ng bahay upang makilala ang kaagaw na iyon kay Leoning. Waring nagalab ang kanyang loob. Bakit? May iba palang nakakaibig kay Leoning! Sino kaya ang taong yaon? Sino ang lalaking yaon? Ninais niyang pasukin upang makilala datapuwa't nang anyung gagawin na niya ay ang kanya na ring budhi ang tumanggi: Hindi.

Bulaklak na uhaw sa patak ng hamog sa kaumagahan at anyung nalalanta; kampupot na ang kabanguhan ay humahalimuyak nguni't ang kasariwaan ay waring naluluoy na, katulad ng isang talang untiunting tinatakasan ng liwanag, ganyan, ganyan ngayon ang kaparis ni Leoning. Ang kanyang puso ay waring may subyang. Nangungulilang lubos sa mga kaaliwan sa buhay.

Para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! Anong samang pakinggan! Para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. Pinagsukaban siya! Kay samasama nga naman! Nguni't ano pa ang mangyayari? Waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa.

Ang ating binata ay anyung dinalaw ng poot ang loob at sasagutin na sana niya ang marangal na kinatawan akala niya ay hinahamak ang kanyang pagkatao, nguni't hinadlangan agad siya ng ating kinatawang Velarde at sinabing: Hindi naman ito sa pagpuri ng harapan ang dugtong ng kinatawan at saka nagpatuloy. Ang pagkakilala ko sa inyo ay ipagtataka nga ng inyong sarili.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap