United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nilimot ng kanyang kasintahan, nilimot ni Leoning, na, ngayon ang kanyang naging palad, oh! ang kanyang naging palad ay naritong magtiis ng hirap, siklutin ng bagabag, tulad ng bulaklak na nalalanta, tulad ng liriong natutuyo, kumukupas ang dating kasariwaan, nalalaing ba wari. Dahil sa sumpa mong nilimot Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot oh!

Bawa't puso ay waring nalulugod, bawa't diwa ay nasisiyahan sa idinudulot ng magandang panahon! Ang mga bulaklak na waring mga nagsisibukad dili ay tila, mga nakangiting lahat dahilan sa patak ng biyayang hamog na siyang nagpapasariwa. Ang dahon ng kahoy na mga nalalanta at tuloy na mga nalalaing ay parapara bang nagsisipanariwang lahat, na nanauli sa dati.

Para kay Eduardo ay untiunting nagkukupas ang lahat. Kung baga sa bulaklak nalalanta at nalalaing. Ang dating paglingap sa kanya ni Leoning ay parang natulad lamang sa ulap, biglang naglahong paminsanan. Ang dating paglingap ni Leoning ay tulad lamang sa isang pagdadapithapong lumulubog na.

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap