United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya sa pagkakapako ni Daniel na iyon sa pintuan ng silid na ang buhok ay gusotgusot na nilabnot ng kanyang kamay, habang tinititigan ang pintuan ay wari bang nababasa naman niya ang mga ganitong titik: "Si Daniel ay kahabaghabag na asawang pinagsukaban ni Leonora at kahit na sa harap ay ginagawan ng katawatawa". Kulang palad na Daniel na pinagtaksilan ng asawa!

Walang malamang gawin at waring nabibilot ng ulap ang kangyang pagiisip. Kaya walang nasabi sa sarili kundi: Ay! ano kung marinig ko na ang halakhak ng tao at ng lalaking yaong nagtaksil sa akin? At, ang kaawaawang si Daniel na pinagsukaban ng asawa'y tuloy umalis na lamang, na kung kaya malatang-malata ang katawan pagsapit ng sariling tahanan.

Para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! Anong samang pakinggan! Para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. Pinagsukaban siya! Kay samasama nga naman! Nguni't ano pa ang mangyayari? Waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa.

Hindi kaya niya maipalagay na kung marinig na lamang niya ang isang salitang "nagsukab" ay di pa kaya siya parang tumanggap ng isang mariing sampal na tumama sa panga. Pinagsukaban! Oh! kay samang pakinggan!

Wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa.... Oh! diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? Kay samasama! Anong samang pakinggan! Nagtaksil, nagsukab ang asawa. Kay samasama nga naman!

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap