United States or Namibia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi kaya niya maipalagay na kung marinig na lamang niya ang isang salitang "nagsukab" ay di pa kaya siya parang tumanggap ng isang mariing sampal na tumama sa panga. Pinagsukaban! Oh! kay samang pakinggan!
Kung kanyang gawiin ang pagpasok at maalaman ni Leoning ang kanyang ginawa di wiwikain ay wala siyang ugali, walang mabuting kalooban at walang pinagaralan. Nguni't ang iniisip ni Eduardo'y ang pangyayaring hindi pagsagot ng binibini. Waring ang salita ng lalaking kausap na: "ang hindi pagsagot ni Leoning ay nangangahulugan ng pagayon, ay isang sampal na tumama sa kanyang mukha."
At, ang paguusap ng dalawa na kanyang narinig ay isang malakas na sampal sa kanyang mukha. Narining niya ang mga katagang: Kung mabatid ng iyong asawa ang ganitong ginagawa mo Leoning ay anong sasabihin niya? Eduardo, huwag kang magalaala at sa piling mo ay kita ang asawa. At sa pagkarinig na ito ng kaawaawang si Daniel ay halos malugmok na lamang sa sama ng loob.