United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi kaya niya maipalagay na kung marinig na lamang niya ang isang salitang "nagsukab" ay di pa kaya siya parang tumanggap ng isang mariing sampal na tumama sa panga. Pinagsukaban! Oh! kay samang pakinggan!
Para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! Anong samang pakinggan! Para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. Pinagsukaban siya! Kay samasama nga naman! Nguni't ano pa ang mangyayari? Waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa.