United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa baya'y sinigawán acó n~g m~ga sundalo n~g "Quien vive," nagtatacbó acó, bumaríl silá at nahilahisan n~g isáng bála ang áking nóo. Natatacot acóng mahuli at papagpupunásin acó n~g cuartel, na abóy n~g pálò, na gaya n~g guinawâ cay Pablo, na hanggá n~gayó'y may sakít. ¡Dios co! ¡Dios co! ang ibinulóng n~g ináng kiníkilig ¡Siyá'y iyóng iniligtas!
Hindi capagcaraca'y guardia civil acó; acó'y dating contrabandista, ang isinagót n~g tagalog na nagpapahan~ga. N~guni't silá'y linibáng n~g isá pang anino: sinigawán nilá itó n~g ¿quién vive? at bago dinalá nilá sa ilaw. N~gayó'y si Elías na n~gâ ang siyáng sa canilá'y humaharap. ¿Saán ca paroroon?
At ipinagpatuloy n~g dalawáng sundalo ang caniláng pag- ronda. Mulíng natatanawan na namán natin sa liwanag n~g m~ga farol ang dalawáng aninong nagcacasunod na lumalacad n~g boong pag-iin~gat. Isáng mabalasic na ¿quién vive? ang siyáng nagpahintô sa dalawá, at sumagót ang nauna n~g ¡España! na nan~gan~gatal ang tinig.