Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 13, 2025
Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos tanang inutusa'y agad nagsisunod, ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop. Saca nang mayari naman ang Simbahan ang Haring si Clovis doon ay naglacbay, casama ang lahat nang caguinoohan at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.
Isa ang Infante na si Hispericos na capatid niyong Haring Agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios. Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y si Hispericos at isang concejero, sila'y nag-uusap na nakita dito nang Hari, ay tantong galit ay sumubó.
Inaari ninyong ualang cabuluhan ang Dios na dapat sambahi't igalang, sa guinaua ninyong man~ga catacsilan marapat sa inyo'y alisan n~g búhay. Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap nang di pamarisan yaong gauang linsad at ipinatapon ang bangcay sa dagat.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap