United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa ganitong pag-aala-ala kay Matrena ay nagulomihanan si Semel; nguni't paglingon niya sa kasama ay naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa simbahan at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban. Ang asawa ni Semel ay nag-ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng kahoy, sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, saka nag-isip.