United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga lamoc doon ay totoong masasaquit sisiguid at totoong pinahihirapan ang man~ga nagsisitahan doon, at namamagâ ang lugar na masiguid at totoong masaquit na para nang siguid nang bubuyog at pucyutan; at caya n~ga ang muc-hâ at camay ni Robinson ay palaguing namamagâ. Tingnan ninyo cung gaano ang caniyang sindac, nang maquitang naaagnas na ang caniyang damit.
Ualang totoo siyang pinaghihirapan, para nang pagcasira nang caniyang sapin at medias, at ang man~ga lamoc ay sinisiguid na mainam ang caniyang paa na di niya maitiguil sa saquít; datapoua,t, sa boong panahon nang paguulan ay dumaming totoo ang man~ga hayop na ito, at dahil sa canilang man~ga siguid ay namamagâ ang caniyang muc-hâ, man~ga camay at paa.