Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 1, 2025
Sa bagay na yao,i, ang haring maran~gal ang loob at puso,i, hindi mapalagay, sa tanang grandeza,i, ang uicang tinuran hindi maaari cundi ang icasal. Lalo at mahigpit ang sa bandong resa pilit gaganapin na ualang pag sala, Tamad na si Juan ay ipinadala sa real palacio pati nang princesa.
At sa iba,t, ibang caapid na reino ay ipinag-utos gauin ang bandillo, gayon din ang resa tungcól bagong tauo mahal man at hamac ay mag siparito. Ganaping madali,t, sa arao nang bucas sa real palacio ay matipong lahat, na houag ang hindi man~gag sisiharap at may patorneo ang haring marilág.
Pinagcaisahan nilang mag-asaua ang bagay na ito,t, minagaling nila, nang quinabucasa,i, nag-utos na siya at pinabandohan loob nang España. Ang resa nang bandong ipinagtatauag tungcól bagong tauo mahal man at hamac, sa real palacio ay man~gag siharap at may patorneo sa arao nang bucas.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap