United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Gerardo!" ang di man kinukusa'y nalaglág sa mga labì ni Pacita na malakíng totoó ang tákot sa demonyo, palibhasa't noón lang siyá nakakita ng gayóng gayák. Si Elena namán ay putlâng-putlâ; kákabá-kabá ang kanyáng dibdib. "Kilalá mo ba iyón?" ang pangatál na tanóng kay Florante na kanyáng kaibigan, at noó'y kasiping sa upô. "Hindi, ah!" "Masamâ ang kutob ng áking loób.