United States or Christmas Island ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pan~galan niya'y Poncio at apellido ang Pilato. Nang panahong yao'y siya'y Presidente ó Procurador sa Judea, catungculang guinanap niya n~g sampong taon, n~g panahong harì si Tiberio. Nang magpasimulâ si Juan Bautista n~g pan~gan~garal, ang gobernador sa Judea ay si Pilato.
Di gaya nang Haring si Herodes na sakim sa yama't caran~galang labis, caya n~ga't sa gauang yao'y ang nasapit doon sa Infierno cusang nagcasakit. At gayon din yaong si Poncio Pilatong hocom na humatol sa Poong cay Cristo, sa tacot sa bala niyong man~ga judio na ipagsusumbong siya cay Tiberio.