United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang ica 30 n~g Agosto n~g 1887 ay nagpadalá n~g sulat sa Arzobispo na si párì Payo ang rector sa Universidad na si párì Gregorio Echevarria, at doo'y sinasabing binasa at pinagsiyasat n~g isáng capulun~gan ang Noli me Tangere na ilinathalâ ni J. Rizal, at caniláng lubos napagtantong ang librong iyo'y totoong isáng malakíng heregía, capusun~gán at nacasisirang púri sa Religión at isáng ganáp na paglabág at pag-alimura sa Gobierno n~g España at sa lahát n~g m~ga mahál na capisanang castíl