United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong lahat nang ito,i, pinagmamasdan ni cabezang Andrés, at cahima,t, iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang calooban, at hindi niya pinag-uicaan ang caniyang anac nang anomang uicang may cahalong galit, cundi pinañgañgaralan niyang banayad na banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali.
Cung caya n~ga hindi niya itinulot na macapagban~gon sa pagcasubasob, ang dalauang camay binaliting bagcus, nang upang magbauas pagca-asal hayop. At pinag-uicaan sa pagayong anyo: iyo nang natatap, Valeriong palalo, ang bun~gang masaclap niyang panibugho na lumilingatong na lagui sa puso.