United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun gagaua ca nang pinan~gan~ganlang piedra de culebra, ay ang isang sun~gay nang usa idoon mo sa horno nang tinapay, hangan sa masunog at umitim; at cun yao,i, napuputol na nang camay, magaling ang pagcasunog. Cun ibig mo naman, ay tabunan mo nang maraming ipa nang palay ang sun~gay nang usa, at pagca namatay ang apoy at malamig na ang lahat, alisin mo ang sun~gay, at iyong basaguin.
Ang gamot sa may colaba, ó sa, may bilig sa mata Cun mayroong tauong may colaba ó bilig sa mata, ang isang capiraso na azúcar piedra ay bayuhin mo nang maliit, at ibudbod mo sa matang maminsan minsan; ó bumunot ca nang pacpac ó plumang mura nang sisiu na maputi, at ang dugong nadoroon sa dulo nang pluma ay iyong pigain at ilahid sa colaba nang mata.