United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang siya ay dumating na, sa daan na pasalunga, nagtuloy at umahon na itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran nang dumating sa ibabao, nabual nanga't, namatay ang cabayong sinasac-yán. Di anong magagaua pa sa cabayong namatay na, ang báon niya'i, quinuha at lumacad capagdaca. Nang siya'i, dumating naman sa Tabor na cabunducan, may cahoy siyang dinatnan diquít ay di ano lamang.
May dinatnang landás siya mataas na pasalungá, tumahan capagcaraca itong príncipeng masiglá. Sa masamáng capalaran sa Dios na calooban, nang dumating sa ibabao cabayo niya'i, namatáy. Di anong magagaua pa uala nang masac-yán siya, ang bastimento'i, quinuha at lumacad capagdaca. Sa Dios na calooban na sa tanong bininyagan, dumating siyang mahusay sa Tabor na cabunducan.
Salita Ng Araw