Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 7, 2025
Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal. Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang trabajong caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.
At liban dito,i, uala na. Hindi sila bumabasa-basa nang mañga libro ; hindi sila palamasid sa tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at paniualain silang totoo. Ano pa,t, hindi marunong na cumutcot at humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago sa licod nang manga paimbabaong uica.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap