United States or Saint Pierre and Miquelon ? Vote for the TOP Country of the Week !
At naging parayso n~g ligaya't lugod pagsasalong yaon n~g m~ga alindog; na sinamantala noong makikisig pusong umiirog m~ga paroparong mababa't matayog. Ang maamong titig, ang mariing sulyap, panibughong n~giti, kilos na banayad, n~g sandaling yaon wari'y umuulang palasong matalas na di sumasala sa puso n~g liyag.
Natatandaan mo marahil na sa sulat ko'y nasasabing magsasalo tayo sa gabing ito, anya, samantalang tinatapos sa bibig ang huling kagat n~g isang mansanas na kanyang tinalupan. Ang pagsasalong iya'y matutuloy; hindi n~ga lamang dito kundi sa isa sa m~ga hotel o restaurant sa Maynila, sapagka't hindi na napigil ang pagpapauna sa Pandakan kanina pa n~g m~ga kapatid ko.