United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan naliuanagan din sintang nadidimlán at sa pag-panao co ay pinabauanan nang may hiyang perlas na sa matá,i, nucál. Dumatíng ang bucas nang aquing pag-alís ¿sino ang sasayod nang bumugsóng sáquit? ¿dini sa púso co,i, alíu ang hinag-pís na hindî nagtimo nang caniyang cáliz?
Sabihin ang touâ nang guerrerong hayág, ang abáng quinalong ay bigláng niyacap, cong nang una,i, nucál ang lúha sa habág n~gayo,i, sa galac na ang ilinagaslás. Capús ang dil