Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 16, 2026
Ayon kay Leoning ay tahanan ng dadalawing kaibigang dalagang si Fely! Kaya sa pagpasok na iyon ng pintuan ni Daniel ay waring natawagan agad ang kanyang pansin na doon ay walang tumitirang dalaga. Hindi rin naman kaila sa kanya ang mga pook na iyon at madalas din niyang mapagaabot. Kaya nabuo sa kanyang paghahaka na sadyang may ibig sabihin ang ginagawang yaon sa kanya ng asawa.
Bakit kaya? Ano kaya ang nangyayari sa dati niyang payapang pamumuhay? Waring ngayon ay natawagan ang kanyang pansin, natawagan ang kanyang kalooban dahilan sa madalas na pagalis ni Leoning ng tahanan na buo naman ng pagtitiwala ng mapagmahal na asawang si Daniel Perez sa hinalang walang ano mang ginagawang makapagpasama sa kanyang loob ang asawang akala niyang matapat.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap