United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Casangcapang gamit ay napacainam guintó na at pilac sino caya naman, aling tauo rito sa mundong ibabao macapag gagayác casangcapang ganyan. Cundan~gan ang ito,i, may iuing encanto na pinagcucunan nang lahat nang ito, ang uica nang hari ay tila n~ga totoo sa encantong laláng cayamanang ito.

At saca tinauag anác at asaua halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na, nang matingnan yaon na handang comida lalo nang tumangap daquilang ligaya. Namamanghang lubós man~ga calooban ang comidang handa ay napacainam, man~ga gamit ditong man~ga casangcapan ay guintó at pilac na nag quiquinan~gan.

Sinasabi nila na napacainam ang handang comida,t, man~ga casangcapan ang man~ga matamis sari-saring bagay n~gayon lamang cami nacatiquim niyan. Man~ga nag sisilbi sa pagcain nila ay nan~gag tatacá silang para para, pulós na castila,t, tagalog ang iba at saca ang dama ay labing dalaua.

Ang dingding ay pauang esmaltadong lubós nang man~ga brillanteng sacdál nang alindóg, ang salas ay pilac perlas ang calahoc tinalo,i, dinaig cay Salomóng templos. Sa loob nang bahay ang nan~galalagay nan~gapapamuti mutyáng maquiquináng, anong bahay ito at napacainam ualang capareho,i, na sa cabunducan.

Salita Ng Araw

magpipipe

Ang iba ay Naghahanap