United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa m~ga matang nanggigilalas n~g mamang at sa nahihiyang nahahapis na mukha n~g mestisa, ay nabasa ni donya Basilia ang di mailarawang pangyayaring likha n~g mahiwagang tulang kabibigkas n~g makata. ¡Oh, pagkalungkotlungkot na sandali ang tinatawid noon n~g mestisang kailan man yata'y hindi na magtitikim n~g kaluwalhatian, n~g ganap at lubos na kaluwalhatian sa pagibig!...