United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isa't isa ay gumagawa ng kanikanyang kaya, upang mapalitaw na kalugodlugod ang "Florante at Laura". Ngunit sa likod ng kasiglahang iyan at kapuripuring pagpupunyagi ay kasakitsakit sabihing wari'y naipagwawalang bahala kung minsan ng ilan yaong tagubiling: "Di co hinihinging pacamahalin mo tauana,t, dustain ang abang tula co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyo ay houag mo lamang baguhin ang verso".
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga pangyayari. Nguni't maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng masamang hangad na "paalatin ang matatamis na tula" kundi bagkus pa ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis. Lalong mapasarap. Lalong mapabuti. Lalong maitumpak.