United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Puspós ca n~g cabanalan, mahinhing may capurihán; mapagpacumbabang may camahalan; masunuring boo ang loob; mapagtiis sa cacaunting bagay na mapagmithi; caaway na tapát ang loob; maawaing nagpapatawad; fraileng lubháng maselang; mapanampalatayang namimintacasi; mapaniwalaíng waláng málay; waláng bahid calupaang sumisinta; hindî maimiking may tinagong líhim; mapagtiis na matiyagá; matapang na natatacot; mapagpiguil na may calooban; mápan~gahás na masulong; mapanalimang nagpapacatinô; mahiyaing may caran~galan; mapag-in~gat n~g iyóng pag-aaring hindî mahinayan~gin; maliksing tagláy ang cáya; mapagbigáy galang na marunong makipagkapuwa-tao; matalas ang ísip na ma-in~gat; mahabaguing may awa, matimtimang may hiyá; mapanghigantíng matapang; sa casipaga'y dukhâ na mapagsang-ayon; mapag-impoc na mapagbiyaya; waláng malay na nacacatalós; mapagbagong may kinauuwian; mapagwalangbahalang nagmimithíng matuto: ¡linaláng ca n~g Dios upang camtán ang m~ga caayaayang lugód n~g pagsintang malamlam!...Tulun~gan mo acóng umawit n~g iyóng m~ga cadakiláan at n~g ang iyóng pan~gala'y lalong mataas cay sa m~ga bituin at lalong lumiwanag cay sa araw na umiinog sa iyong paanan!

Upang liban~gin ang cainipán n~g m~ga nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang m~ga isdang buháy at nan~gaggagalawan, kinuha n~g magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday n~g instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap