United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
M~ga kibit n~g balícat ang siyáng sa canya'y sagót n~g nan~garoon, sino ma'y walang nagmamalasakit n~g camuntî man lamang tungcól sa calagayan n~g abáng babáe. Dalawáng horas ang itinagal doon ni Sisa, sa isáng anyóng halos ay hibáng, nacauncót sa isáng súloc, nacatágo ang ûlo sa m~ga camay, gusót at gusamót ang buhóc.
Tumatácbo si Sisang patun~gó sa canyáng báhay, tagláy iyóng caguluhan n~g baít na nangyayari sa ating cataohan, pagcâ sa guitnâ n~g isáng casacunaán ay walâ sino mang nagmamalasakit sa atin at sa ati'y tumatacas ang m~ga pag-asa.