United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa catapusa,y, nacatanao nang ilang man~ga halaman na inacala niyang nararapat lapitan at siyasatin. Totoong nagcacalapitlapit na naguing parang isang cagubatan, at namasdan niya na ang iba,y, may bulaclac na mapulapula, ang iba,y, mapuputi, at ang iba,y, ualang bulaclac cundi man~ga bun~gang mapupusiao na casinglaqui nang bayabas natin dito sa Filipinas. Quinagat niya capagdaca ang isa; datapoua,t, naquilala niyang di sucat macain, at totoong nagalit siya, na capagdaca,y, binunot niya ang halaman, at ihahaguis na sana, ay siyang pagcaquita niya sa man~ga ugat ay may nabibiting tila man~ga tugui na malaqui,t, munti. Inacal