United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa gayóng calagaya'y inábot si Sisa n~g gabí. Pinagcalooban siyá marahil n~g Lán~git n~g iláng horas na pagcacatulog, at samantalang siya'y nahihimbing, hinilahihisan n~g pacpác n~g isang ángel ang namumutlâ niyáng mukhâ, upang macatcát sa canyá ang alaala, na waláng ibáng tinátaglay cung dî pawang capighatîan; marahil hindî cásiyang macáya n~g mahinang lacás n~g táo ang gayóng caraming m~ga pagcacasákit, caya't n~g magcágayo'y na mag-itan marahil ang Inang-Talagá n~g Dios na tagláy ang canyang matimyás na pangpagaang n~g hírap, ang pagcalimot; datapuwat sa papaano man, ang catotohana'y n~g kinabucasan, si Sisa'y nagpapalacádlácad na nacan~gitî, nag-aawit ó cung hindî nakikipag-usap sa lahát n~g m~ga may búhay na kinapál.
At cung hindi sa amin, ang isinalabat ni doña Victorina, sumasalan~git na sana si Clarita at nag-aawit na n~g m~ga pagpupuri sa Dios. ¡Amen Jesus! ang inacala ni capitan Tiagong marapat sabihin.