United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Houag lilimutin nang pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at tumutupad nang catungculan.