United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mga Manggagawa: Sa paglalathala ko n~g aklat na itó ay wala akong nasang iba, liban na sa mailantad sa harap n~g madla ang isang karaniwang sakit na siyang pumapatay na madalas sa masisiglang kilusan n~g m~ga anak-pawis sa Pilipinas; sakit na hangga't nagtatagal at lumalaon ay lumilikha n~g libolibong kasawian sa buhay at sa kapalaran n~g m~ga manggawang pilipino; at sakit na kung di aagapan n~g lunas n~g m~ga may tungkulin ay siyang pagbubuhatan n~g lubos at ganap na pagkapariwara n~g lalong magaganda at dakilang kilusán n~g m~ga kawal n~g bisig.
At ang aklasan mula noon ay napagtibay. Ang Lupong sinugo sa pakikipagusap sa m~ga mamumuhunan ay siya na ring pinagkaisahang maging palaging Lupon sa aklasan. Masisiglang gayon na lamang ang lahat na noon ay naghiwahiwalay, na taglay sa puso n~g bawa't isá, ang malaking pananalig sa kadakilaan n~g kanilang ipakikipaglaban.
=HANDOG=: Sa mahal kong kapatid: kay Consolacion Elento at sa madlang kasapi sa "Panulat Banahaw" lalong lalo na sa mga magagandang tala: Ursula Maderal, Atilana Abrilla, Guadalupe Abad, Pining Ravida, V. Abutal at Roming Dator; at sa masisiglang kasaping Z. O. Maderal, B. E. Palacio, E. Nañola at Ben. Racelis.