United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ito n~ga ang matuid na masasapantaha natin, na dahil n~g ikinaparito n~g m~ga taong ito, at dito'y di natin maliligtaang di bangitin na pinakahalimbawa ang sali't saling sabi n~g m~ga Tagakaola at m~ga Bagobo sa Mindanaw na anila'y sadsad lamang sila sa lupaing kinatatahanan nila n~gayon at ang kanilang pinangalin~gan ay isang lupaing malayong malayo.
Bagay naman sa pinangalin~gan ay masasabi nating wala n~g iba kundi ang m~ga kalapit lupain At dito naman sa m~ga kalapit lupain ay wala n~g ibang masasapantaha, liban sa m~ga lupang nasa dakong timog, na dili iba't ang kamalayahan dahil sa siyang m~ga tan~ging bayan na kahuad sa kulay tikas at anyo, kakapatid sa wika at kaayon sa halos lahat n~g ayos at paraan n~g pamumuhay n~g m~ga Tagarito.