United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang macaraan ang dalawang oras, si hermana Rufa'y na sa sa batalán n~g caniláng bahay at guinagawa ang paghihilamos na caugalian pagcacaumaga, upang pumaroon sa misa. Tinátanawan n~g mapamintacasing babae ang calapít na gubat at canyáng nakitang may pumapaimbulog na nalululong macapál na úsoc; nagcunót ang m~ga kilay at, punô n~g banál na galit, ay nagsalitâ: ¿Sino cay
Hindî dumaráan ang isáng taóng hindî siyá nakikidaló sa pagpasa Antipolong malaki ang nagugugol, na ang dalá'y isáng orquesta: cung nároroon na'y pinagcacagulan niyá ang dalawá sa lubháng maraming m~ga misa de graciang guinágawâ sa boong tatlóng siyám, at sa m~ga ibáng araw na hindî guinágawâ ang pagsisiyám, at nalíligò pagcatapos sa bantóg na "batis" ó bucál, na ayon sa pinasasampalatayana'y naligò roon ang mahál na larawan. Nakikita pa n~g m~ga mapamintacasing táo ang m~ga bacás n~g m~ga páa at ang hilahis n~g buhóc n~g Vírgen de la Paz sa matigás na bató, n~g pigaín niyá ang m~ga buhóc na iyón, anó pa't waláng pinagibhan sa alín mang babaeng gumagamit n~g lan~gis n~g niyóg, at para manding patalím ang canyáng m~ga buhóc, ó cung dili cayá'y diamante at waláng pinag-ibhán sa may sanlibong tonelada ang bigát. Ibig sana naming ihaplít n~g cagulatgulat na larawan ang canyáng mahál na buhóc sa m~ga matá n~g m~ga táong mapamintacasing itó, at canyáng tuntun~gan ang caniláng dil
Salita Ng Araw