United States or Philippines ? Vote for the TOP Country of the Week !
At diyán sa iyong buhay na sinapit ay walang wala nang oras na tahimik at kulang ang aking luhang nagbabatis sa tindí n~g dusa't bumubugsong sákit. ¡Ay amang ama ko kung magunamgunam madlá mong pag-irog at pagpapalayaw ay wala nang lan~git yaring abang búhay kundí ang malipat sa payapang bayan!
Ito ang siya kong ikinalulumbay kailan ma't aking magunamgunam lagay natin n~gayo'y parang tinandaan niyong lihis nilang kagagawan. Kundan~gan ang sila ay pakialami't walang kaguluhang di nakikipiling at nakikigaya pa sila marahil sa taksil na budhing man~ga mainggitin.