Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 25, 2025
At, ngayon, kung malalaman nga kaya niya ang kabuhayang dinaranas ni Eduardo, ay ano kaya ang magigiging hakahaka niya? Ano ang kanyang sasabihin? Si Eduardo ay natulad ngayon sa isang bulaklak na nalalanta, at naglalaho ang dating kasariwaan at makatas na katawan. Tulad niya ay isang kandilang untiunting nauupod. Nangyayayat at waring wala nang kasiglasigla, ang katawan.
Hindi niya kailangan ang mga babaeng gayon na kung makayapak sa matataas na samahan at mapabilang sa maririwasa ay nagiiba ang mga kilos, ugali at dating katutubong pagkatao. Oh! ang mga babaeng ganyan ay isang magigiging sira sa karangalan ng lahing busabos at wala pang kalayaan. Hindi iyan ang magiging uliran at karangalan ng ating bayan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap