United States or Angola ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinatanglawan n~g isang malamlam na liwanag na inilalaganap n~g buwan at umulusot sa malalagong m~ga san~ga n~g m~ga cahoy, ang isang lalaking naglalagalag sa cagubatan, na maraha't mahinahon ang lacad. Manacanaca at anaki baga'y n~g huwag maligaw, sumusutsot siya n~g isang tan~ging tugtuguin, na ang caraniwa'y sinasagot n~g gayon ding sutsot sa dacong malayo.
Nan~glálalalim ang m~ga matáng napuputun~gan n~g lubháng málalagong kilay, na palibhasa'y láguing nacacunót ay nacapagdáragdag n~g ningníng n~g paghíhin~galô n~g canyang m~ga matá. Nabábagbag ang lóob na pinagmasdán siyá ni párì Sibilang nacahalukipkíp ang m~ga camáy sa ilalim n~g cagalanggalang na escapulario ni Santo Domingo.
Salita Ng Araw