United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nan~glálalalim ang m~ga matáng napuputun~gan n~g lubháng málalagong kilay, na palibhasa'y láguing nacacunót ay nacapagdáragdag n~g ningníng n~g paghíhin~galô n~g canyang m~ga matá. Nabábagbag ang lóob na pinagmasdán siyá ni párì Sibilang nacahalukipkíp ang m~ga camáy sa ilalim n~g cagalanggalang na escapulario ni Santo Domingo.
Matataas na m~ga malalaking batong buhay, na napuputun~gan n~g m~ga cahoy ang siyang nacababacod sa paliguid, na ano pa't wari isang nababacurang panoorang naguiba; m~ga cahoy na bagong putol, m~ga punong naguing uling ang nacapupuno sa guitna, na nan~gahahalo sa pagkalalaking m~ga batong buhay, na kinucumutan n~g pacaposcapos n~g Lumikha n~g canyang culubong na m~ga dahong verde ang culay.
Salita Ng Araw